Isa sa pinakanakakatakot na karanasan na maaring mangyari sa isang tao ay ang pambabastos ng kanilang pagkatao. Sa babae, (minsan lalake) kasama na rin dito and pangmamanyak.
Kahit sino ka pa, presidente, bella, edukada o kulang sa aral, basta may suso ka at puwet, pwedeng pwede kang manyakin.
Laganap iyan sa kalye, sa tren, kahit saang lugar na may paghahalubilo ng mga tao, may manyak.
Di patas na mangyari ito. Di ko alam sa mga lalake. Patawarin ninyo ako kung di ko man maintindihan ang nang tama inyong posisyon ngunit magkokonsentrate ako muna sa babae.
Matagal nang ipinaglalaban ang karapatan ng kababaihan - ang kanilang "pagka-equal" sa lalake.
Maaring mababaw ang pagtingin ko rito, patawarin ninyo ako.
Dapat patas. Dapat respetuhin ang babae bilang katulad di bilang kagamitang pampaligaya o pampalibog.
Sa tingin ko, sa bawat haplos nang di dapat sa kahit anong parte ng katawan ng babae, bumabagsak ang kanyang pagkatao dahil di tao ang turing sa kanya kundi sex toy.
Hindi naman sa sobrang agree na agree ako sa karapatang pambabae dahil minsan sumosbra ito.
Sa tren, kapag marami akong nakikitang lalake na nakaupo habang sandamakmak na babae ang nakatayo, naasar ako.
Wala nang gentleman puro balasubas na lang na lalake.
Pero mali pala iyon.
Ipinaglalaban ng babae ng equal sila sa lalake. Di ba't kasama na dun ang pagtanggap na sa tren wala nang gender gender, meron lang pagod na mga paa at mga nanginginig na binti.
Kaya naman, tuwing nasa terminal station, musical chairs ang laro. Paunahan sa upuan, ang mahuli, magji-gymnastics at magbabalansing. ang mahuli ay magkakaroon ng matitibay na binti at malabakal na paa.
Siyempre, di rin naman patas kung manunulak ka at ihuhulog mo ng sadya ang nakaupo na. Di rin naman patas na ang mga disabled, buntis at mga matatanda ay nakikipaglaro sa kamatayan habang pinipilit nilang manatiling nakatayo at may matirang dignidad kung matumba.
Ang nakakainis naman rito ay ang mga nagtutulugtulugan. Nakita na nga nilang nahihirapan, kunyari di pa nakita.
Lahat naman kunyari di pa nakita. Hintayan hanggang may makunsensya.
Minsan, ang mgataong ito, pinagpepray kong lumagpas ng estasyon upang maging conscious naman sila tungkol sa masamang nararanasan ng kapwa tulad ng pangmamanyak.
(Oo na, alam kong mali ang ipagdasal ng may mangyaring masama sa kapwa, binabawi ko na.)
No comments:
Post a Comment