Tuesday, March 30, 2010

"Masakit bagsakan ng cap" Monica Palad

Oo tapos na. Grumaduate na ako. Umakyat nasa stage, binalik na ang toga, kinain na ang handa.

Matapos nang matagal na pag-antay at mahabang paghihirap, nilipat na ang tassle ng aming mga cap.

At oo, nakuha ko sa facebook status message ni Monica ang title ng blog na ito. Pasensya na kung naging assuming ako, Monica. Nagustuhan ko status mo eh. Mamaya ilalike ko pagkatapos ng blog na ito.

Wala pang diploma. Sana ibigay na nila dahil yun naman talaga ang pinaghirapan nating makuha.

Akalain ninyo, isang pirasong papel lamang ang halaga ng apat na taong kunsumi, tuwa, at paghihirap. Isang pirasong papel lamang ang halaga ng nilagi natin sa Santo Tomas. Isang pirasong papel ang halaga ng mga alaalang kahit kailan di mabubura sa ating isipan bago tayo magka-alzheimers. (di ko sure spelling, patawarin ninyo ako at icorrect niyo na rin).

Sana malaki at magand yung papel. Maganda rin sana kung nakaframe na pagkabigay.

Nang matapos ang "solemn investiture" namin, nariyan ang pagbato ng cap. Nahiya akong ibato dahil baka may matamaan ako o baka hindi ko na mahanap muli ang cap tulad ng nangyari kay Esther. Nakita niya ata.

Last kickback ko na yung P200 na ibibigay pagkabalik.

Pero binato ko pa rin. Mababa lang para siguradong mahuli ko.

Nang ibato ko, pinalangin ko na sana di na siya mahulog ulit. Di bale na yung P200 basta mamalagi nang matagal ang pakiramdam ng pagiging estudyante. Masarap kasi. Maluwag sa kalooban. Bata pa rin ako hanggang sa mahulog muli ang sumbrerong iyon.

Pero nariyan ang gravity. Di totoo ang kantang "Defying Gravity" na kinanta sa Glee last week. (Galing pala sa play na "Wicked" ang kantang iyon. Maganda yung kwento, tunkol sa wicked witch of the west ng Wizard of Oz).

Dahil nga may gravity, bumalik ang cap sa mga kamay ko. Bumalik ag katotoohanang tapos na ang kabataan ko.

Doon ko naisip na "Masakit pala bagsakan ng cap."

(Thank you, Monica, sa idea. Ito ang iniisip ko hanggang ngayon. Di ko lang alam kung paano sasabihin.)

1 comment: